Maine nagbabu na sa mga taong ‘toxic’ sa buhay: Mas maligaya na ako ngayon!

MAINE MENDOZA

GOODBYE na kay Maine Mendoza ang toxic days sa trabaho.

Kaya naman memorable sa kanya ang taong 2018 base sa caption niya sa litrato sa Instagram sa huling araw ng nagdaang taon.

“I am happier now than I have ever been and am incredibly blessed with so many wonderful things – from the very start of the year until today. Couldn’t be more grateful to everything!

“I am just so glad to have finally moved on from the toxic energy and people that used to drain me – the best realisation and resolution still. Cheers to a great year!” bahagi ng post ni Meng.

Naka-post din sa IG ng Phenomenal Star ang iba’t ibang events na nangyari sa buhay niya last year.

Ilan dito ang karanasan niya sa Sugod Barangay ng Eat Bulaga na nagbigay sa kanya ng oportunidad na mas makilala ang ilan sa a-ting mga kapuspalad na kababayan.

Ilan sa mga nakilala niyang Dabarkads sa mga binisitang barangay ay kanyang ibinahagi sa Humans of Barangay.

Ipinasilip din niya ang sariling bahay na sinimulan last year at ang charity fun fair na isinagawa ng kanyang fans.

Isa rin sa biggest achievements ni Meng ay ang paglabas ng kanyang collaboration sa global brand ng cosmetics para sa kanyang lipstick shade.

History ang ginawa ng Dubsmash Queen bilang unang Filipina na magkaroon ng collab sa cosmetic and take note, soldout ang lahat ng ilabas na units nito hindi lang dito kungdi maging sa ibang bansa, huh!

Pagdating naman sa kanyang acting career, isinilang last year ang sitcom niyang Daddy’s Gurl at ang blockbuster festival movie niyang “Jack Em Popoy” with Vic Sotto at Coco Martin.

Sa kanyang post, isang quotation mula sa foreign author na si Lang Leav ang ibinahagi niya sa social media, “Don’t stay where you are needed. Go where you are loved.”

Humanga naman sa kanya si Lang Leav kaya nagkomento ito ng, “Such a brave, strong role model for all women. Sending you lots of love Maine. Happy 2019! Keep shining!”

Kahapon, sumabak na uli sa Eat Bulaga si Maine!

Read more...