Nam Joo Hyuk, Han Ji Min hahataw na ngayong 2019


KOREAN word of the week: “Jinjjay” – sa Ingles nangangahulugan ito ng “for real?” o sa “talaga ba?” sa Tagalog.

q q q

Mapapanood muli ang Korean heartthrob na si Nam Joo Hyuk sa bagong Korean drama na Dazzling, kasama ang magaling na aktres na si Han Ji Min.

Nakatakdang ipa-labas ang Dazzling sa Pebrero, 2019.

Isa itong fantasy-drama na kwento tungkol sa isang lalaki na inubos ang kanyang oras sa wala at ng isang babaeng naubos ang panahon bago pa niya magamit.

Bukod kina Joo Hyuk at Ji Min, kasama rin sa bagong fantasy seryeng ito sina Son Ho Jun at Kim Hye Ja.

Huling napanood si Joo Hyuk sa The Bride of Habaek noong 2017. Nakilala siya nang husto sa kanyang pagganap sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo noong 2016.

Ilang beses na ring bumisita sa bansa si Joo Hyuk dahil sa dami ng kanyang Pinoy fans. Napanood naman nga-yong taon si Ji Min sa Familiar Wife.

Read more...