Sulat mula kay Carmi ng Barangay Palao,
Kolambugan City
Dear Sir Greenfield,
Next month ay apat na taon na kaming nagsasama ng lalaking minahal ko. May anak na kami.
Lagi kong tinatanong sa kanya kung kailan kami magpapakasal, pero wala pa raw ito sa plano niya. Gusto kong makasal kami para maging legal ang aming pagsasama at isa pa ay ayaw kong lumaki nang walang legal na ama ang aking anak.
Kaya sa darating na anibersaryo namin, balak kong yayain na siyang magpakasal.
Nais ko lang itanong kung may pag-asa kayang matupad ang pangarap kong ito, ang lumakad ng naka-wedding gown sa altar at maging legal na asawa ang lalaking kinakasama ko ngayon. December 1, 1984 ang birthday ko at August 16, 1980 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Carmi ng Barangay Palao, Kolambugan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag kang mangamba sapagkat kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad.
Ibig sabihin, walang duda na sa malapit na hinaharap ay matutupad ang malaon mo ng pangarap na makasal sa kasalukuyan mong ka-live in.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing eternal at walang hanggang ang inyong pagsasama ng iyong ka-live-in.
Dahil walang hanggang na nga kayong magsasama, ang Nine of Hearts ang nagsasabing sa susunod na taon, 2014, ay may kasalang magaganap upang maging legal at maging pormal na sa mata ng tao at sa mata ng Diyos ang inyong pagsasama bilang isang masayang pamilya.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.