Unang lindol ng 2019 naramdaman sa Cagayan
Leifbilly Begas - Bandera January 01, 2019 - 12:54 PM
SA Cagayan ang unang lindol na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong 2019.
Ang lindol na may lakas na magnitude 2.7 ay naramdaman alas-12:07 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay 24 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong 29 kilometro.
Walang inaasahang pinsala ang lindol na ito. Hindi rin inaasahan ang paglikha nito ng aftershock.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending