Kisses: I just attended the most important wedding of my life!

“I just attended the most important wedding of my life!” Ito ang ibinandera ng Kapamilya teen star na si Kisses Delavin sa kanyang Instagram account bago pumasok ang Bagong Taon.

Nasa South Korea si Kisses para sa isang short vacation. Doon din ginanap ang ang renewal of wedding vows ng kanyang mga ma-gulang na sina Gilbert at Carrie Delavin kasabay ng kanilang 25th wedding anniversary.

Ipinost ni Kisses sa Instagram ang litrato niya kasama ang kanyang mga magulang at ang paring kasama nag-officiate ng naganap na wedding. Pero ang talagang nakaagaw ng pansin ng mga netizens ay ang suot nilang traditional South Korean dress, ang Hanbok.

“It’s official! I just attended the most important wedding of my life! My pa-rents got married today for their 25th wedding anniversary while wearing Hanbok,” ang caption ni Kisses sa kanilang litrato sa IG.

Samantala, sa isang panayam ay natanong si Kisses kung posible bang sagutin niya ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan sakaling manligaw ito sa kanya. Kaila-ngang sagutin lang niya ito ng yes or no.

Sagot ng dalaga,”Nes (no and yes). Yes, if the ti-ming is right. No, if the time came and hindi pa ako handa.”

Balita kasing “bi-nabakuran” na ni Donny si Kisses kaya naman mas lalong na-excite ang mga DonKiss fans. Sey ng young actress friends lang talaga sila ng binata pero inilarawan niya itong “ideal guy” at “true gentleman”.

Read more...