Babala sa GMA: Mag-ingat sa kuwento ng Badjao, baka matulad sa Bagani

MIGUEL TAN FELIX AT BIANCA UMALI

ILANG oras na lang ay mamamaalam na ang 2018 habang papasok ang panibagong taon.

As in the start of every year, we all have an endless list of hopes. Mga sana. Mga dasal towards a better year.

This side of showbiz, sana’y mas yumabong pa ang paggawa ng mga pelikula. More films translate to employment para sa mga artista, so do assignments on TV.

May ripple effect kasi kapag masigla ang TV at pelikula, may trabaho rin kasi para sa aming mga manunulat. Indirectly, marami ang makikinabang from our end, and these include our families.

Year of the Pig ang 2019. Bagama’t the four-legged animal connotes filth, anything gross or heart disease, hindi maililigwak ang katotohanang positibo ang pork barrel para sa ating mga pulitiko.

q q q

Our Christmas holidays are always spent at my sister’s house in Bacoor City, Cavite. Ang lugar ng aming kapatid ay hagip ng kahabaan ng Molino Blvd., na may shortcut kung dadaan sa gilid ng St. Dominique.

Nitong bisperas ng Pasko, lulan ng sasakyan ng aming pamangkin ay binabaybay namin ang area na ‘yon.
Bago pala mag-Pasko’y nag-post ng announcement ang local government ng Bacoor na hindi sila magtatalaga ng mga traffic enforcers nang isang araw lang naman, o baka nga sa loob lang nang ilang oras.

Naka-block off ang nasabing araw para sa Christmas party ng mga tagapagpatupad ng traffic. The announcement came from Bacoor City Mayor Lani Mercado’s office.

But even in the absence of manpower ay gagana naman ang mga traffic lights. Ikinatuwa ng mga netizens particularly Cavite-based motorists ang anunsiyong ‘yon sa halip na ihayag ang kanilang agam-agam na tiyak magkakabuhul-buhol ang trapiko sa Aguinaldo Highway.

Ang nakakatawa pa (o baka kabaligtaran sa parte ni Mayor Lani and her men), sey ng mga netizens, sana raw ay may Christmas party sila araw-araw.

Dahil nga doon naninirahan ang aming pamilya at bi-nabagtas ang Bacoor patungo at pauwi galing ng trabaho sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay na-curious kaming itanong kung kumusta ang pamamalakad ni Mayor Lani (who succeeded her brother-in-law Strike).

Walang kaga-tul-gatol na sinabi ng aming kapatid na mahusay bilang alkalde ang aktres. Coming from my sister, we took her word hook, line and sinker.

Mukha ngang malaki ang improvement ng malaking bahaging ‘yon ng Cavite. Bagama’t traffic everywhere is here to stay everywhere, iba raw kumamada si Lani pagdating sa kanyang nasasakupan.

Halata rin daw na may “something” sa pagitan ng dalawang tenga ng maybahay ng bagong layang senador.

q q q

After her goody-goody role in Kambal Karibal, Bianca Umali takes on an equally, or even more intriguing character sa aabangang soap sa GMA.

The young actress plays Sahaya (na siya ring pamagat), a Badjao lass who comes and tries her luck in Manila. Kinailangang mag-aral lumangoy si Bianca (as her role obviously suggests).

Another screen partnership nila ito ni Miguel Tanfelix who reportedly broke up dahil merong third wheel sa kanilang relasyon. Obyus na si Kyline Alcantara ang tinutukoy as the culprit.

Since featured in the upco-ming GMA soap ay tribu sa down south, huwag sanang ma-tulad ang Sahaya sa Bagani ng ABS-CBN noon culled from our history pages. Baka mag-react ang mga historians sa kung paano tatalakayin ang buhay at struggles ng ethnic group na ito.

Many decades ago (hindi pa kami tao), may klasikong Badjao film na rin. The Badjaos that we know have their dwellings built on stilts sa tubig.

Read more...