Horoscope July 12, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Biyernes na naman! Tuloy-tuloy na dadapo ang magandang kapalaran kung pula ang isuot na kulay. Sa kulay na pula, maraming pera ang darating at mainit ang romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red buenas din ang purple.
Aries – (Marso 21-April 19)— Wag masyadong maging demanding sa kasuyong Sagittarius  baka tuluyan na siyang mawala. Minsan ikaw naman ang sumunod sa kanya, sa ganyang paraan, ang inyong relasyon ay mas magiging maligaya. Sa panansyal, kailangan mong magtipid ngayon. Mapalad ang 3, 9,  23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor.” Pink at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Habang patuloy na nagiging malambing sa kasuyong Virgo, nakahanda na ang magaganap— isang masarap na romansang hinding-hindi mo malilimutan. Alisin muna sa isipan ang mga suliraning may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 6, 12, 15, 21, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Durate-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Lalo mo pang palawakin ang iyong mundo. Habang dumadami ang mga kaibigan, dadami rin ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kakilala at BFF mas makapamimili ka ng busilak at wagas. Mapalad ang 5, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” White at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Kung hindi ka masaya sa kasalukuyang relasyon wag nang piliting mapreserba pa, lalo ka lang mahihirapan. Maghanap ng isang  Scorpio na magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, tuloy ang kabig ng malaking halaga. Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bisvivit-Quivit-Aum.” Red at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Dahil sa pagiging seloso ay madadagdagan lang ang tension at stress na iyong nararamdaman. Palayain ang kasuyo upang lalo niyang madama ang iyong pagmamahal. Sa pinansyal, makakatulong sa iyong problema ang isang kaibigang Aries. Mapalad ang 3, 17, 24, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nulli-Om-Secunda.” Black at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tanungin ang sarili:  “May mga pagbabagong bang nangyayari?” Wala! Dahil ang pagbabago ay kailangang magsimula sa puso mo. Sa pag-ibig, kalimutan na ang relasyong hindi ka naman masaya, sa isang Libra ka liligaya. Mapalad ang 9, 17, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Violet at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Walang magiging problema kung ituon na lamang sa kasuyo ang iyong mga mata at wala nang ibang titingnan. Sa pinansyal, may darating na namang mangungutang, tanggihan siya sa malumanay at maayos na paraan. Mapalad ang 3, 18, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Aum.” Pink at black ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pananalapi, panahon na upang humingi ng tulong sa isang Capricorn. Siya ang lulutas sa problemang pang-pinansyal. Sa pag-ibig, sa isang Capricorn mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 36, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Green at beige  ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng bahagi sa  buhay mo. Sa pinansyal, bago tuluyang mahulog ang loob ay isipin mong mabuti kung paano siya mapagkakaperahan. Sa pag-ibig mag-ingat sa imoral na relasyon. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Gray at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Wag puro trabaho, pahalagahan ang sandali na kasama mo ang iyong minamahal. Sa ganyang paraan, sa bandang huli, ang kasuyo mo ring Cancer ang magpapayaman sa iyo. Mapalad ang 4, 14, 22, 32, 37 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—May magte-text. Nangungumusta ang dating karelasyon. Wag na siyang hayaan pang maging bahagi uli ng buhay mo, guguluhin ka lang niya. Sa pinansyal, mas mainam pang bigyang pansin ang pagpapayaman, kaysa sa ano pa mang mga bagay. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Aspera-Om-Astra.” Silver at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Regular kang uminom ng multi-vitamins at damihan din ang iniinom na tubig. Sa ganyang paraan, maiiwasan ang karamdaman at mapapanatili ang malakas at malusog na pangangatawan. Sa pinansyal at pag-ibig, parehong malaki at nakakagulat na suwerte ang matatanggap. Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama.” Red at gray ang buenas.

Read more...