Willie nakabili ng bagong rest house malapit sa Puerto Galera

WILLIE REVILLAME

MAY bagong kinagigiliwang puntahang lugar nga-yon si Willie Revillame. Hindi siya dumadayo du’n nang siya lang, bitbit ng aktor-TV host ang kanyang production staff, ilang araw at gabi silang nagpapalipas du’n.

May nabiling propyedad si Willie na malapit na malapit lang sa Puerto Galera, ang Mangrove Cove, i-pinaaayos na niya ngayon ang kanyang bahay-bakasyunan sa naturang lugar.

Gustung-gusto ni Willie ang tahimik na kapaligiran, hindi siya naiinip du’n, kahit pa may kalayuan sila sa kabihasnan. Para sa isang tulad niya na ilang dekada na sa pag-aartista ay isang napakalaking oportunidad ang mamalagi sa isang lugar na walang intriga at stress.

“Umorder na si Kuya Wil ng mga tent na ilalagay sa palibot ng rest house niya. Kilala n’yo naman ‘yun, hands-on talaga siya sa lahat-lahat, kailangang siya ang pumipili ng mga fixtures na ilalagay sa property niya,” kuwento ng isang staff ng aktor-TV host.

‘Yun si Willie Revillame. Nabuhay siya sa pagkokomedya, sa pagho-host ng kanyang mga programa, pero maraming hindi nakakaalam kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang kapribaduhan.

Sabi pa ng sikat na kuya ng ating mga kababayan, “Napakasarap kayang makipag-communication with nature. Walang dialogue, pero ramdam na ramdam mo ang kapayapaan ng kalooban. May peace of mind ka.”

Read more...