Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano, ang may-akda ng Medical Cannabis bill sa Kamara de Representantes, ginawa ng legal ng Thailand ang medical marijuana.
“Sayang, tayo dapat ang nauna,” ani Albano. “It’s a lost opportunity. Ang daming Amerikano na gustong mag-invest, ngayon sa Thailand sa sila pupunta.”
Sinabi ni Albano na ang pagiging legal ang marijuana ay inaasahang magpapalakas sa medical tourism ng Thailand.
Nauna sa Thailand ay ginawa na ring legal ng South Korea ang paggamit ng marijuana sa panggagamot.
Sa kasalukuyan marijuana ay ipinagbabawal katulad ng shabu, cocaine at heroin.
Iginiit ni Albano na mananatiling iligal ang paggamit ng marijuana para sa kasiyahan at ang tanging papayagan ay ang paggamit nito ng mga partikular na pasyente na hindi na kaya ng gamot ang mga kondisyon.
“This is not for recreation, it’s for medical purposes,” dagdag pa ni Albano. “For this reason, the bill provides for control measures and regulation on the medical use of cannabis to ensure patient’s safety and for effective and efficient implementation of the Act.”