Pagtatapos ng Onanay inaabangan na


SA nalalapit na pagtatapos ng Kapuso primetime series na Onanay, siniguro ng produksyon na magmamarka sa mga manonood ang magiging ending nito.

Sunud-sunod na ang mga pasabog nina Helena (Cherie Gil), Nelia (Nora Aunor), Natalie (Kate Valdez), Maila (Mikee Quintos) at Onay (Jo Berry).

Hanggang sa huli, hindi pa rin magpapatalo ang mga kontrabida sa buhay nina Onay ay Maila kaya tutukan kung hanggang saan aabot ang kasamaan nina Helena at Natalie at kung paano lalabanan ng mga bida ang kanilang mga kaaway.

Napapanood pa rin ang Onanay sa GMA Telebabad after Cain At Abel. Ito’y sa direksyon ni Gina Alajar.

Read more...