ABC president tinumba sa sabungan

NASAWI ang presidente ng Association of Barangay Captains ng Lipa City, Batangas, nang pagbabarilin sa loob ng sabungan sa lungsod, Biyernes ng gabi.

May dalawang suspek na nadakip ilang oras matapos ang pamamaril kay ABC president Marlon Luancing, ngunt tumanggi muna ang pulisya na pangalanan ang mga ito dahil may kasunod pang operasyon.

Itinakbo pa sa pagamutan si Luancing, chairman ng Brgy. Antipolo del Sur, dahil sa mga tama ng bala, ngunit binawian ng buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang pamamaril dakong alas-8, sa Lipa Games and Amusement Complex sa Brgy. Balintawak. 

Read more...