Bakit siya palagi ang bida?

PARANG pelikula ang buhay-OFW. Pero sadyang makulay nga ang buhay OFW.

Umuwi si Theresa sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia para sa isang buwang bakasyon.

Magsa-sampung taon na siyang nurse sa Saudi at nasa probinsiya naman sa Visayas ang kaniyang pamilya.

May asawa at tatlong mga anak si Theresa. Government employee naman ang mister niya kaya ang panganay na anak ang siyang tuma-yong ina at ate ng dalawa pa niyang ka-patid.

Tinatayang 16-anyos noon si Pia nang magsimulang mag-abroad ang ina.

Gayong nagdadalaga pa lamang noon, mabilis nang mature si Pia dahil nga sa mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kaniyang balikat.

Nadedestino naman ang ama niya sa malalayong probinsiya at nao-obliga siyang gampanan ang papel ng kaniyang ina at pati na rin minsan ang papel ng kaniyang tatay.

High school noon si Pia. Natuto siyang gumising ng maaga para maghanda ng almusal at baon nila sa eskuwela.

Babantayan niya ang mga kapatid hanggang sa makauwi silang lahat sa bahay. Bago pa umuwi, mamalengke na siya para sa kanilang hapunan at para sa susu-nod na araw.

Bago matulog, tinutulungan pa niya ang mga kapatid sa kanilang mga leksiyon at saka niya naman haharapin ang pansariling mga pangangailangan.

Hatinggabi nang natatapos si Pia sa gawaing bahay at pag-aasikaso sa mga ka-patid.

Hindi rin tumanggap ng manliligaw si Pia. Alam niyang hindi niya puwedeng talikuran ang responsibilidad sa pamilya.

Kaya naman nga-yong 26 anyos na siya, umaasa sana siyang kahit papaano, may mababago sa kalagayan ng pamilya.

Ngunit tila yata hindi tipong ganoon ang mangyayari.
Dahil sa pagbabakasyon ng kaniyang ina, nasabi nitong nag-e-enjoy siya sa kaniyang trabaho at magtatagal pa ito sa pag-aabroad.

Sa tingin ni Pia, bidang bida ang ina sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan nito.

Kaya tuloy nasabi ni Pia na hindi rin yata nakikita ng ina ang pagsasakripisyo din niya kapalit ng responsibilidad ng ina sa kanilang pamilya, sa kaniyang asawa, sa kaniya mismo at sa mga kapatid nito.

Dama ang labis na sama ng loob kung kaya’t nasambit niya tuloy na bakit palagi na lamang siyang bida at wala yatang nakapupunang umiiral din siya.

Bayani ding maituturing si Pia. Hindi matatawaran ang kabayanihang ipinakikita nito sa kaniyang pamilya

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapa-kinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Read more...