Maine: Open akong makatrabaho ang iba pang Kapamilya stars


BUKAS ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa posibilidad na makatrabaho ang iba pang Kapamilya stars sa mga susunod niyang proyekto.

Ito’y matapos nga ang hindi malilimutang experience niya sa pelikulang “Jack Em Popoy” kasama ang Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin at si Bossing Vic Sotto. Kasalukuyang humahataw ngayon sa takilya ang isa sa official entry sa 2018 MMFF.

Tinanong si Maine sa isang panayam kung sino pa sa mga ABS-CBN stars ang gusto niyang makatrabaho, “Wala naman akong naiisip in particular. Pero as in very open naman ako working with Kapamilya stars. Sana in the future mabigyan ng chance, para lumawak din ang ano ko di ba, sa career.”

 

Read more...