Robin nagpakalbo para sa life story ni Gen. Bato

KALAT na sa social media ang bagong look ng action star na si Robin Padilla. Nagpakalbo raw si Binoe para sa bagong proyekto.

Ang paniwala ng mga netizens, nagpa-shave ng ulo si Robin bilang paghahanda sa pagganap niya sa life story ni dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa. Bukod kasi sa pagpapakalbo, nakasuot din siya sa photo ng police uniform.

Kung matatandaan, napaulat na si Robin ang personal choice ni Bato para bumida sa pelikulang tatalakay sa makulay at maaksyong buhay ng dating PNP chief. Wala pang ibinabalita si Binoe kung kailan magsisimula ang shooting ng pelikula.

Bukod sa life story ni Bato, magiging busy din si Robin sa pagpasok ng 2019 para sa pagpapatuloy ng shooting for their “Marawi” movie kasama si Piolo Pascual.

Samantala, for the first time ay nakilala na rin nang personal ni Robin ang tatay ng kanyang asawang si Mariel Padilla. Sa US naka-base ang tatay ng TV host-actress na si Abelardo Termulo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mariel ng isang litrato kung saan makikita ang kanilang pamilya na nagsama-sama sa hapag-kainan para sa pagbisita sa bansa ng kanyang pamilya. At dito nga unang nakilala nang personal ni Binoe ang kanyang biyenan.

“After 8 years @robinhoodpadilla and my Dad finally meet ??? my heart is full. Thank you so much to everyone in my family for being so supportive of this moment. It means so much to me,” caption ni Mariel sa kanyang Instagram post.

“My 2018 is complete. I have been waiting for this day for 8 years… thank you God for giving it to me,” aniya pa.

Ito naman ang naging mensahe ni Robin para sa pamilya ng kanyang misis, kabilang na ang ama nito, “Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great!!!

“Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsanggayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak GOD is great,” pahayag ni Robin.

“Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas. Mabuhay po kayo DAD!

“Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah,” mensahe pa ng aktor.

Ikinasal sina Robin at Mariel noong 2010 sa isang private ceremony sa India. Isinalang naman ni Mariel ang kanilang panganay na anak na si Maria Isabella sa Amerika noong 2016. Grabe ang hugot noon ni Robin dahil wala siya sa tabi ng asawa nu’ng ma-nganak ito dahil denied uli ang resulta sa kanyang visa application.

Read more...