'Usman' hahambalos sa E. Samar | Bandera

‘Usman’ hahambalos sa E. Samar

Leifbilly Begas - December 27, 2018 - 06:03 PM

INAASAHANG magla-landfall bukas ang bagyong Usman sa Eastern Samar.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, posibleng umakyat sa Tropical Storm category ang bagyo bago ito dumaan sa kalupaan.

Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong kanluran. May bitbit itong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 65 kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 120 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar at bukas ay 50 kilometro sa hilagang silangan ng Cuyo, Palawan.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Ngayong araw ay itinaas ng Pagasa ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa (Luzon) Romblon, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, (Visayas) Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang bahagi ng Cebu kasama ang Camotes Islands, Aklan, Capiz, hilagang Iloilo at hilagang Negros Occidental at (Mindanao) Dinagat Island.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending