2 baby patay sa sunog

DALAWANG magkapatid na sanggol ang nasawi nang lmunin ng apoy ang bahay ng kanilang pamilya, sa Binangonan, Rizal, nitong Miyerkules, ayon sa pulisya.

Nakilala ang mga nasawi bilang sina Jonalyn, 1, at Joanna Villapando, 9-buwan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga, sa bahay ng mga Villapando sa Brgy. Libis.

Agad nagtungo ang mga bumbero sa naturang lugar nang matunugan ang sunog, ngunit naapula na ang apoy nang sila’y makarating, ayon sa ulat.

Natagpuan na lang ang mga labi ng dalawang sanggol sa nasunog na bahay.

Sinasabing wala noon sa bahay ang ina ng mga sanggol dahil nagtungo ito sa tindahan, habang ang dalawa niya pang anak ay naglalaro sa labas.

Inaalam pa ang sanhi ng insidente, bagamat may hinala ang mga awtoridad na sumingaw ang maliit na tangke ng LPG ng pamilya.

Read more...