Magnitude 4 lindol naitala sa DavOcc

NIYANIG ng magnitude 4.0 lindol ang Davao Occidental ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:31 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 77 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 44 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Walang inaasahang napinsala ang pagyanig na ito.

Read more...