Robin nagpakalbo para sa life story ni Gen. Bato

KALAT na sa social media ang bagong look ng action star na si Robin Padilla. Nagpakalbo raw si Binoe para sa bagong proyekto.

Ang paniwala ng mga netizens, nagpa-shave ng ulo si Robin bilang paghahanda sa pagganap niya sa life story ni dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa. Bukod kasi sa pagpapakalbo, nakasuot din siya sa photo ng police uniform.

Kung matatandaan, napaulat na si Robin ang personal choice ni Bato para bumida sa pelikulang tatalakay sa makulay at maaksyong buhay ng dating PNP chief. Wala pang ibinabalita si Binoe kung kailan magsisimula ang shooting ng pelikula.

Bukod sa life story ni Bato, magiging busy din si Robin sa pagpasok ng 2019 para sa pagpapatuloy ng shooting for their “Marawi” movie kasama si Piolo Pascual.

Read more...