Basura ng namasko tambak sa Luneta

KONTI na lamang ang namasyal sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.

Pero nagkalat naman ang sangkaterbang basura sa parke na iniwan ng mga nagdiwang ng Pasko doon kahapon.

Kaya maaga pa lamang ay naging abala na ang mga street sweeper sa paglilinis sa Luneta.

Kabilang sa mga nakolekta sa parke ay mga gamit na plastic bottles, cups, plastic bag at iba pang mga basura.

Dismayado naman ang Ecowaste Coalition dahil hindi pa rin natututo ang marami sa mga tao ukol sa tamang pagtatapon ng basura.

Ayon kay Aileen Lucero ng Ecowaste Coalition, walang masama sa pagdiriwang, pero sana ay maging responsable ang lahat sa pagtatapon ng mga“holiday trash.”

Aniya, dahil walang sa napaparusahan sa pagkakalat kaya marami pa ang namimihasa sa walang habas na pagtatapon ng kalat.

Kinalampag naman ni Lucero ang pamahalaan na ipatupad na ang National Plastic Ban.

Read more...