#2018 Bandera Top 10 pasabog na showbiz scandal, paandar

SA nalalapit na pagtatapos ng 2018, naglista kami ng 10 trending at bonggang-bongga showbiz chika na gumulantang sa madlang pipol at pinag-usapan ng mga netizens sa social media.

May naiskandalo, may nakabuntis at nanganak. Meron ding nagdemanda at nag-resign. May nagtangka ring magpakamatay.

Narito ang Top 10 Bandera Most liked and most read showbiz pasabog ng 2018.

MOCHA USON

Sa pagpasok pa lang ng 2018 hanggang sa hu-ling quarter ng taon hindi nawala sa mga headline ang leader ng all female group na Mocha Girls.

Naging kontrobersyal si Mocha matapos ma-appoint bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kung saan sunud-sunod ang kinasangkutan niyang isyu, na karamihan ay puro kapalpakan daw. Kabilang na riyan ang pangnenega niya sa pamilya ni Kris Aquino at ang kanyang “Ipepe-idede” campaign para sa pederalismo.

Dahil dito, napilitang mag-resign ang dating sexy dancer ngunit aniya, isa itong pagsasakripisyo at hindi pagsuko.

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

Last year sumabog ang iskandalo tungkol sa relasyon nina Lloydie at Ellen at sa pagpasok ng 2018 napabalitang na-nganak na ang sexy actress sa panganay nilang si Elias Modesto. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring diretsahag pag-amin ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon at fa-mily life. Hindi pa rin bumabalik sa pag-arte si JLC.

KRIS AQUINO

Sunud-sunod din ang mga pasabog ng Queen of All Media nitong 2018. Nagsimula sa comeback movie niya sa Star Cinema na “I Love You Hater” na sinundan pa ng pinag-usapang participation niya sa blockbuster Hollywood film na “Crazy Rich Asians”.

Ngunit pagkatapos nito, i-namin ni Kris na meron siyang sakit na Chronic Spontaneous Urticaria na na-ging dahilan ng pagbagsak ng kanyang katawan. Idagdag pa riyan ang demandang isinampa niya laban sa da-ting business partner na diumano’y nanloko sa
kanya.

DARREN ESDPANTO AT JK LABAJO

DARREN ESPANTO AT JK LABAJO

Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawang The Voice Kids runner-up matapos akusahan ni Darren ang dating kaibigan ng pagkakalat ng fake news tungkol sa kanyang kasa-rian. Nagsimula sa tweet na “gayness at its finest” na patungkol daw kay Darren, sinabi ni JK na na-hack daw ang account niya.

Pero hindi naniwala si Darren sa palusot ni JK at nagbanta pang idedemanda ang kapwa singer.

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

Mala-teleserye namang tinutukan ng madlang pipol ang kontrobersyal na love story ng tambalang ElNella. Na-shock ang kanilang fans nang aminin ni Janella na sinasaktan siya ng ex-boyfriend kapag nakakainom ito.

“For two years, I focused on Elmo and myself. This time, I am giving more attention to myself. He hurt me and I cannot, can never tolerate that,” ang matapang na pahayag ni Janella. Balita namang “nagpagamot” si Elmo para maayos ang kanyang buhay at makayanan ang paghihiwalay nila ng ex-girlfriend.

GRETCHEN FULLIDO

Ang dating naghahatid ng showbiz balita ang siya namang naging headline sa mga diyaryo matapos akusahan ni ABS-CBN Star Patroller Gretchen Fullido ng sexual harassment ang mga dati niyang boss sa ABS-CBN, kabilang na rito ang kapwa broadcast journalist na si Ces Drilon na kinasuhan naman niya ng libel. Nanindigan ang dalaga at na-ngakong hindi uurong sa laban, “It was a cycle that was going on for almost three years.”

SARAH GERONIMO

“I feel empty!” ‘Yan ang inamin ng Pop Royalty habang umiiyak sa harap ng kanyang Filipino fans habang ginaganap ang “This Is Me” concert sa Las Vegas. Awang-awa ang mga Popsters sa GF ni Matteo Guidicelli dahil ramdam nila ang sakit na dinaramdam nito.

“Ginusto ko pong maibahagi ang talento ko pero, hindi pala ako handa sa mga kasama doon sa hiningi ko, lalong-lalo na ‘yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka. Mahirap po. I’m so sorry,” ani Sarah na ilang araw ding naging headline sa mga tabloid.

DIEGO LOYZAGA

DIEGO LOYZAGA

Na-shock ang madlang pipol nang mabalitang nagtangkang magpakamatay ang Kapa-milyan hunk actor last November. Inatake diumano ng matinding depresyon ang binata dahil sa mga personal na hugot.

Dahil dito, nawala ang karakter niya sa seryeng Los Bastardos ng ABS-CBN at hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung kailan siya babalik. Balitang nasa ibang bansa ngayon si Diego para “magpagaling.”

REGINE VELASQUEZ

REGINE VELASQUEZ

Naging maingay at kontrobersyal ang paglipat ng Asia’s Songbird sa ABS-CBN kung saan reynang-reyna ang ginawang pag-welcome sa kanya. Kung may mga natuwa, marami rin ang nagalit at halos isumpa na siya. Aminado si Regine na affected siya sa mga haters kaya napilitan na siyang resbakan ang mga ito.

“Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son. Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao!”

CATRIONA GRAY

“Mga kababayan ko, I’m happy to give you the best Christmas gift ever!” ‘Yan ang ibinandera ng ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas.

Nagmarka nang bonggang-bongga si Catriona sa 2018 Miss U dahil sa kanyang “lava” at “slow mo twirl”.

Talagang nag-trending sa buong universe ang kanyang pagrampa sa nasabing beauty pageant.

Read more...