Bashers ni Kris parang mga bampira na uhaw na uhaw sa dugo


MARAMING  sumasaludo sa palaging pagpapakatotoo ni Kris Aquino. Wala siyang itinatagong mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay.

Maging ang kundisyon ng kanyang kalusugan ay i-binabahagi rin niya sa publiko. Siya ang klase ng taong kayang panindigan ang kanyang mga sinasabi kahit pa hindi naman lahat ay sumasang-ayon sa kanyang pagiging totoo.

May ibang kababayan tayong humahanga sa pagi-ging totoo ni Kris, pero meron silang opinyon kung anu-anong aspeto lang ng kanyang personal na buhay ang dapat niyang ilabas sa social media, ang iba raw sana ay sarilinin na lang niya.

Sabi ng isang nakausap namin, “I salute her being transparent and truthful, we seldom see people like her, pero kung minsan, e, may mga i-nilalabas siyang details na dapat, e, sa kanya na lang.

“Sana, quiet na lang siya pagdating sa mga ganu’ng bagay, kasi, ‘yun ang nagiging dahilan kung bakit siya ini-stress ng mga bashers niya.

“Thank you, dahil napakatotoo niya. Thank you, dahil matalino siya. Pero sana, hanggang du’n lang ‘yun sa mga detalyeng dapat malaman ng mga tao.

“Huwag na ‘yung tungkol sa health niya, anyway, wala namang magagawa ang mga nakababasa nu’n, it’s still her doctors call that would matter,” sinserong opinyon ng aming source.

May katwiran ang katwiran. Marami kasing taong parang mga bampira na naghihintay lang ng dugo para makasalakay sa gusto nilang kalabanin.

Read more...