Benepisyo ng retired Navy di makuha

DEAR Atty.:
Tanong ko Lang po, yung papa namin retired Navy na pero patay na po siya almost 13 years. May mahahabol pa po ba kami sa pension niya? Nakabenficiary po kasi kami pero hindi po sila kasal ng nanay namin. Thank you. – Geydee, 23, Zamboanga City, …2823

Dear Geydee:
Paki-verify po ang inyong status sa Philippine Navy upang malaman ninyo ang status at bakit hindi kayo nakakatanggap ng benepisyo, kahit hindi po kasal ang inyong ama at ina. – Atty.
Dear Atty.:
I’m Derrick, 35, from Qeuzon City.
May balance po kami sa lupa na binili namin, pinabarangay kami ngayon napagkasunduan na bayaran ng 2 bigay ang utang namin sa lupa tapos ngayon Feb 2013 binayaran po namin yung kalahati kahit wala dun ang kapitan at wala ang nag complain.
Ang tumestigo ay 3 konsehal at sec ng barangay at ang tumanggap ng per a ay kapatid ng complainant at nagpirma sila. Sa kasulatan, complainant ang pupunta para tumanggap ng huling bayad sa March. Pag hindi dumating ang complaianant postpone na po ba ang bayad? Tapos wala na kaming kaso? – Derrick, Quezon City, ….2973

Dear Derrick:
Kung hindi authorized representative gamit ang special power of attorney ang kapatid ng complainant, ay maaring hindi valid ang inyong payment. – Atty.

Dear Atty.:
Good morning, Atty. Fe. Ako po ay kasal sa unang asawa.pero naghiwalay po kami at may kanya-kanya na po kaming pamilya ngayon.
Ano po ang gagawin ko para maging legal ang mga anak naming ngayon nang kinakasama ko? At paano po kami makakasal ng asawa ko ngayon? Wala po kaming pambayad sa annulment, totoo po ba na may divorce na dito sa Philippines, sana po matulungan ninyo ako, salamat po. – Gracelyn, 24, Aranas, Balate, Aklan, ….4725
Dear Gracelyn,
Unang-una wala pang dibosryo sa Pilipinas bagamat meron nang mga proposal sa Kongreso na gawin itong batas. Ang Regional Trial Court Judge lang ang maaaring magpawalang-bisa ng inyong kasal. Kailangan ay mapawalang-bisa muna ang un among kasal sa dating mister bago ka mapakasal sa kinakasama mo ngayon. – Atty.
Dear Atty.:
Hello po, attorney. Ako po si Matet from Davao City. May anak po akong isa, 2 years old na siya ngayon. Hiwalay po kami sa asawa ko.Gusto ko sanang mag-file ng kaso kasi yung asawa ko inabandon kami ng anak ko. Gusto ko sana malaman kung pwede ba siya makasuhan kasi hindi ko na alam kung saan siya ngayon. One year na kaming hiwalay.
Sana po mapayuhan ninyo ako. – Matet, Davao City, …7826
Dear Matet:
Medyo mahirap magsampa ng kaso kung hindi mo alam ang address ng iyong idedemanda. Pwedeng gamitin ang last known address, o yung sa pagkakaalam mo ay huling tirahan niya. Magsampa ng violation ng Anti-Violence Against Women Act. Ang hindi pag-bigay ng financial support sa anak ay isang krimen. – Atty.

Read more...