JK mas matindi ang sex appeal kesa kay Darren: Iba ang karisma niya!

DARREN ESDPANTO AT JK LABAJO

MABENTANG-MABENTA si JK Labajo ngayong holiday season dahil super hit naman talaga ang single niyang “Buwan”. Mabentang-mabenta ito sa mga party at sa isang malaking event nga sa Camp Crame na aming napuntahan, tila naging National Anthem pa ito ng mga kapulisan.

“Iba ang angas pero sexy. Iba ang hagod at landi,” paglalarawan pa ng nakausap naming enjoy na enjoy sa paggiling habang sinasabayang kumanta ang mahusay at guwapong si JK.

Hindi man pinangalanan ng aming mga kausap ang isang singer-actor na kanila rin palang naimbita minsan, alam naming ang kasabayan at ang minsang nakaalitan ni JK na si Darren Espanto ang tinutukoy ng mga ito.

Basta ang sabi nila, “Malayo. Iba ang karisma at appeal nilang dalawa. Yung isa kasi pangkontes ang aura, si JK, pang-entertain talaga at napakalakas ng sex appeal.”

Read more...