Vice Ganda tinupad ang wish ng 2 maswerteng Pinoy

VICE GANDA

DALAWANG tao ang pinasaya ni Vice Ganda bago mag-Pasko.

Isa roon ang batang si Joshua Cruz na may chronic kidney condition. Kasama ang ina nito, dinala ni Anthony Taberna si Joshua sa dressing room ni Vice Ganda sa It’s Showtime. When the lead star of “Fantastica” asked the young boy kung ano ang gusto niyang gift, sumagot ang bata na Play Station 4. Agad-agad ay sinabi ni Vice na ibibigay niya ang Christmas wish ng bata.

In another occasion, isang ginang na si Girlie Las Piñas ang labis-labis din ang pasasalamat sa bida ng “Fantastica.” Dating contestant si Girlie sa “Tawag Ng Tanghalan”. Nang matanong siya ni Vice kung ano ang gusto niyang gift, sinabi ng ginang na prosthetic leg para sa kanyang husband ang gusto niya. Ibinili ni Vice ng bagong prosthetic leg ang asawa ng contestant.

Not surprisingly, umaariba sa takilya ang “Fantastica” ni Vice Ganda. Soldout ang ilang screenings kaya sure na sure na naman ang pagiging blockbuster ng kanyang MMFF entry.

Read more...