Heart nag-ampon: Ipinakikilala ko si Linger


MULING pinatunayan ni Heart Evangelista ang kanyang pagmamahal ay malasakit sa mga hayop.

Bago mag-Pasko, isang kuting ang iniligtas ng Kapuso actress habang nagdya-jogging. Ipinost pa ni Heart ang stray kitten sa kanyang Instagram account kaya naman maraming netizens ang pumuri sa kanya.

Pinangalanan ito ni Heart ng Linger. Aniya sa caption ng kabnyang IG post, “Christmas has always been the season of giving and selfless love. Yesterday morning, as I was on my morning run, this precious kitten caught my attention. Everyone meet Linger.

“It broke my heart to see that she didn’t have a place to call home. I have taken her in for the meantime until I find a suitable home for her,” aniya pa.

Kasabay nito hinikayat din ng misis ni Sen. Chiz Escudero na mag-adopt ng mga ligaw na aso’t pusa para mabigyan ng sariling tahanan ang mga ito. Para sa mga gustong mag-ampon kay Linger, maaarin makipag-ugnayan sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

“Just as the sketched heart on my shirt is stitched back together, so is my heart. It was immediately broken upon seeing her initial state, but seeing her now safe and sound is helping my heart feel better little by little. Let’s give Linger a loving home. For fostering or adoption, please check @pawsphilippines,” sey pa ni Heart.

Isa si Heart sa mga kilalang celebrities na malambot ang puso sa mga hayop. Marami na rin siyang inampon na pusa at aso.

Read more...