Venous hypertension: alta-presyon pa rin | Bandera

Venous hypertension: alta-presyon pa rin

Dr. Hildegardes Dineros - July 12, 2013 - 07:00 AM

“VARICOSE Veins” o “Varicosities”, nakababahala lalo na sa mga banidosa dahil ito’y nakakasira sa “WOW LEGS” kung ang apektado ay ang mga binti. Mababaw na dahilan ito para problemahin, lalo na ng mga kababaihan sapagkat marami pang mas mabigat na karamdaman ang maaaring idulot nito.

Ang “veins” ay parte ng mga ugat sa katawan na nagdadala ng dugo pabalik sa puso. Hindi mataas ang presyon sa loob nito nguni’t kung ito ay lumuluwag na, tumataas ang “venous pressure” kung kaya’t lumulobo ito at ang mga balbula nito ay hindi na nakakapigil sa “backflow” ng dugo palayo sa puso, kabaligtaran ng dapat na direksyon nito.

Sa ganitong sitwasyon, nakikita ang “varicose vein” – malalaking ugat na kulay asul at berde, na parang aha sang hugis na nakapulupot, at mayroon pang mga maliliit na mapupulang ugat na animo’y gagamba (spider angiomata).

Dahil sa “venous hypertension”, sumasakit ang mga ugat sa binti at kung minsan pa ay namamaga (Phlebitis). Kapag masyadong mabagal ang daloy ng dugo, maaring mamuo ang dugo at magkaroon ng “blood clots” (Thrombophlebitis).

Delikado ang kundisyon na ito dahil may posibilidad na lumakad ang “thrombus o blood clot” papunta sa baga (Pulmonary Embolism), isang “emergency situation” na dapat matugunan agad, na maaaring maging sanhi ng pagkasawi kung hindi maagapan.

Madalas din makitang namamanas ang mga binti hanggang talampakan kapag may “venous hypertension”. Kapag matagal na ang kundisyon na ito, nangingitim (hyperpigmentation) at nagiging makapal at magaspang ang balat sa binti. Minsan ay nag-susugat pa ito (Venous Ulcer) at kung may impeksyon, mabaho ang amoy ng sugat.

Nahihirapan na maglakad ang may “varicose vein” dahil sa bigat ng mga binti, at sa sakit na nararanasan. Minsan naman ay nawawalan ng balanse.

Paano maiiwasan ito at anong klaseng paggamot ang nararapat ibigay dito?

Umpisahan natin sa pagbawas ng pamamanas sa pamamagitan ng pag-taas ng mga paa kapag nakahiga at natutulog, ipatong sa isa o dalawang unan. Iwasan ang nakatayo nang matagal at kung hindi maiwasan, mag-lagay ng “compressive stockings”.

May iniinom na gamot kapag namamaga ang “varicosities”. Kung sobra nang malalaki at masakit, mas agresibo na estratehiya ang ginagawa, gaya ng “Vein Stipping, Endoluminal Laser at Sclerotherapy”.

Huwag pabayaan ang “varicose veins” dahil possible itong mag-dulot ng kumplikasyon.
Si Dr. Heal ay mapapakinggan sa DZIQ Radyo Inquirer 990AM, alas 8 hanggang alas-9:30 gabi-gabi sa programang Radyo Mediko.
Pinag-uusapan ang Diabetes tuwing Lunes sa segment na “Dr. Heal Healthline”. Maari po kayong sumama at sumali sa Diabetes Support Community na nakatuon sa mga gawaing panglaban sa Dyabetes. Tuwing Myerkules naman ay tinatalakay ang “Obesity” o Katabaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending