Estudyanteng bully sa Ateneo panira ng tagumpay ni Catriona

CATRIONA GRAY

LAKAS makasira ng Miss Universe celebratory mood itong viral video ng pambu-bully involving a high school student from Ateneo de Manila University.

Talaga namang mag-iinit ang ulo at kukulo ang dugo mo sa mga pinaggagagawa nitong si Joaquin Montes Jr. na isa palang taekwondo medalist na sobra ang kagaspangan ng ugali at kayabangan. Dahil dito, marami ang kumukwestiyon sa sistema na pinaiiral ng Ateneo, pati na ang papel nito sa mga ganitong iskandalo.

Kailangan talaga nating bantayan ang magiging aksyon ng Ateneo dito dahil may balitang matagal na palang nangyayari ang mga ganitong klase ng bullying sa bakuran nila pero ngayon lang bumandera dahil sa nag-viral na video.

Maging ang Philippine Taekwondo Association ay nagpahayag na ng pagkadismaya sa pangyayari pero mas ini-expect naming tanggalan ng “belt” ang batang athlete at mas paigtingin pa ang konsepto ng self-defense at hindi yung paggamit ng dahas upang makasakit ng kapwa.

Naawa kami sa pamilya ng batang estudyante, dahil tila “distorted” ang pananaw nito sa mga bagay-bagay base na rin sa mga napanood na video. Posible kasing may malalim na hugot sa kanyang personal life ang bata kaya siya nambu-bully ng kapwa estudyante.

Para sa amin ay hindi sapat ang parusang expulsion lang, dapat din nilang panagutin ang bata at iba pang mapapatunayang kasangkot sa gulo and eventually ay makagawa ng tamang paraan kung paano nila imatutulungan ang estudyante para malinawan ang kanyang pag-iisip.

Sa mga nakisawsaw naman sa isyu at nam-bully din sa estudyanteng bully sa social media, sana po ay mas tiningnan natin ang positibong pananaw sa isyung ito kahit pa nsabihin nating “ang mali ay mali.”

Mabuti na lang mas marami pa rin ang mga pampa-good vibes na video ng pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss U na nire-repost at sine-share kahit ng mga foreigners.

 

Read more...