P500K natangay sa bahay ng Ako Bicol solon

MATAPOS patayin ang kanyang kasama na si Rep. Rodel Batocabe, ninakawan naman ang bahay ng kasama nito na si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin kaninang umaga.

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ni Garbin sa Ridge View Subd., Brgy. Buragwis, Legaspi City.

Pumasok ang mga magnanakaw sa bintana ng banyo na nasa ikalawang palapag ng bahay.

Kinuha ng hindi nakilalang salarin ang bag ni Garbin na mayroong lamang pera at tseke na nagkakahalaga ng P500,000, mga relo kabilang ang mamahaling Rolex at dalawang Patek Philippe.

Si Garbin ay isa sa mga sumundo kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na dumating sa Legaspi para pumunta sa burol ni Batocabe, na pinatay noong Sabado.

Read more...