MAUGONG ang chikang magwawagi raw si Kim Chiu sa Metro Manila Film Fetsival award’s night. Ano raw?
Well, kahit hindi pa namin napapanood ang entry niyang tiyak namang hindi mangunguna o papangalawa sa takilya, nakatitiyak kaming mas marami pang magaling na artista kaysa sa kanya this filmfest.
Nariyan si Ms. Gloria Romero na effortless ang acting sa kanyang MMFF entry about a bading na lumikha ng iskandalo sa kanyang pamilya dahil sa relasyon nito sa kapwa elderly na bading.
Wala kang maipipintas sa acting ni Ms. Gloria bilang ina na naghangad lang na maging matahimik ang kanyang buhay-pamilya.
Slightly ay may depth din nang kaunti ang character ni Anne Curtis sa kanyang entry bilang isang babaeng gustung tumulong sa mga nawalang tao sa kanilang isla.
Mas magaling pa nga sa kanya si Toni Gonzaga sa “Mary, Marry Me” bilang wedding coordinator ng sister niyang si Alex Gonzaga. Parang hindi umaarte si Toni sa trailer pa lang na napanood namin.
Watched the trailer of Kim’s movie and we found out na magaling pala talaga si Dennis Trillo. Sa mga scenes nila together, lamon na lamon ni Dennis si Kim.
No, we’re not saying na banong umarte si Kim. What we’re saying is that hindi pa siya ganoon kagaling umarte.
Mas magaling pa nga sa kanya si Angelica Panganiban who delievered her lines with aplomb sa movie niya with Carlo Aquino.