Sikat na aktor natagalan ang topak ng dyowang aktres, magpapakasal na


“MABAIT talaga siya _____ (pangalan ng kilalang aktor), kasi natagalan niya ang ugali ni _____ (kilalang aktres). E, sala sa init, sala sa lamig ‘yun. Ang totoo sunud-sunuran siya sa dyowa niya!”

Ito ang kuwento sa amin ng taong malapit sa kilalang aktor. On and off ang naging relasyon nila noon pero nauwi rin sa engagement ang lahat.

May mga naging karelasyon din ang aktres noon pero lahat sila ay hindi nagtagal at bumabalik din sa kandungan ng kilalang aktor na nagkaroon din ng ibang babae pero wala ring nangyari. Baka nga para talaga sila sa isa’t isa.

Kuwento pa ng source kay aktor, “Siya lang kasi ang kayang umunawa sa topak ng girl. Naku sa totoo lang paiba-iba ang desisyon niya, masaya ngayon, maya-maya nakasimangot na. Hindi ko nga alam kung me sakit siya, pero wala naman. Basta kung anong naisipan niya, gagawin.

At pag ganu’n na raw ang aktres ay hindi na siya pinapatulan ng aktor, dedma siya sa ginagawa ng dyowa dahil at the end of the day ay nagiging okay na sila uli.

Hindi pabor ang magulang ng aktres sa kilalang aktor pero sa kalaunan ay umayon na rin ang mga ito sa kanilang relasyon dahil nakita nila kung gaano katiyagang unawain ang kanilang anak at sakyan lahat ng kalokahan
nito.

Anyway, walang regular na show ang dalawa, “E, kasi hindi naman sila kagalingang umarte ‘no?” sabi mismo ng taong malapit sa aktor.

Read more...