Ogie magiging bossing na sa TV5, Regine kabuntot ng asawa

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

Wow! Magpi-feeling bossing na rin pala si Ogie Alcasid in the next days. Balitang-balita kasi sa small circle natin sa showbiz na tuloy na ang paglipat ni Ogie sa TV5 kaya hindi na siya nag-renew ng kontrata sa GMA 7. Silang mag-asawa ni Regine Velasquez ay sure na raw sa paglitat sa Singko.

“In fact, bibigyan daw ng sariling opisina sa TV5 si Ogie na parang kay Wilma Galvante. He will hold a position sa TV5. Meaning, bongga raw ang offer kay Ogie. Executive ang dating. Pero you know, mahihirapan si Ogie na paangatin ang TV5 dahil mahina na ang following niya mula nang ma-link siya sa politics ek-ek. Di ba’t super connected siya kay P-Noy? Wala nang dating si Ogie compared to Bitoy (Michael V).

“Pag natuloy din ang paglipat ni Regine sa TV5, goodbye na rin tiyak ang career niya. Kasi nga, hindi na sila mga bagets, mga gurang na sila, ‘no!” tili ng isang kakilala naming parang may alam sa isyu.

No comment tayo riyan though may point (malaking point na may check!) ang kausap natin. Kaya huwag na ngang magpa-eklay pa sina Ogie at Regine. May drama pa itong si Ogie na jobless kuno, ‘yun naman pala – naghihintay lang ng go-signal ng paglipat sa magiging opisina niya sa TV5. Hindi lang siya lilipat as a talent but as an executive. Whew!

Read more...