Miguel, Bianca nominado sa 2018 Vietnam Face of the Year Awards

MIGUEL TAN FELIX AT BIANCA UMALI

Umaarangkada sa paghakot ng awards ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Nominado ang dalawa bilang Favorite Foreign Actor of the Year and Favorite Foreign Actress of the Year sa IMC TodayTV’s Face of the Year Awards 2018 sa Vietnam.

Napamahal kasi sa mga Vietnamese ang GMA primetime series ng dalawa na Once Upon A Kiss kaya’t hindi kataka-takang napansin ang kanilang galing sa pag-arte.

Para makaboto, bisitahin lamang ang profiles nina Bianca at Miguel at mag-register sa website ng IMC. Bukas ang online voting hanggang Dec. 31, 3:30 p.m..

Read more...