Kapatid ni aktres na tatakbo sa 2019 problemado sa pondo

PAMAGAT: “Saklolo!”

Mga tauhan: Bentot, isang reporter sa political beat; Chenelyn, dyowang reporter din ni Bentot; Kardo, ka-tandem ng isang lokal na kandidato na kapatid ng isang sikat na aktres.

Tagpo: Sa isang five-star hotel sa Kalakhang Maynila.

Nagpatawag ng kaswal na dinner si Kardo para kina Bentot at Chenelyn para hingin ang kanilang suporta sa kandidatura nito at ng kanyang running mate para sa darating na local elections.

Pagkakataon na rin kasi ‘yon ni Bentot para iparating sa ka-tandem ni Kardo ang malaking tampo ng mga kamag-aral nito.

Bentot: ‘Di ba, siya ang mas may kailangan sa amin kesa kami ang may kailangan sa kanya? Ni hindi man lang siya nagpaparamdam, samantalang ang balita namin, eh, gumastos na siya ng mahigit P10 milyon sa isang lugar sa amin?

“Nag-bonding na kami’t lahat ng mga kaeskuwela niya, ni text message para kumustahin kami, wala!

Ano ba naman ‘yung mag-hi man lang siya? Eh, sa tuwing magba-bonding naman kami, nagpapatak-patak kami sa chit ng kinain at ininom namin?

Kardo: (medyo napahiya, sabay buntong-hininga) Bentot, pasensiya ka na. Pakisabi na rin sa mga dati mong mga kaeskuwela na problemado nga kung tutuusin ang ka-tandem ko. Hindi nga niya alam kung saang kamay ng Diyos kukunin ang campaign funds niya. Ang sabi niya, may tatlo na raw ang nangako na magpi-finance ng kampanya niya. Ayaw naman niyang sabihin kung sinu-sino ‘yon gayong sa pagkakaalam ko, dapat sagot niya ang buong lineup niya, ‘di ba?

Chenelyn: Eh, kasi naman…

Bentot: Babes, huwag ka nang mag-emote. Hindi ka concerned dito, dahil sa school for boys kami gumradweyt, kung puwede manahimik ka na lang?

Kardo: As I was saying, wala siyang pondo kaya kung puwede, pakitulungan n’yo na lang siya, tutal naman, he was your classmate.

Wari’y nagkaroon ng buhay ang mga pilak na kubyertos sa mesa ng sosyal na dining area na ‘yon sa five-star hotel. Nag-iskrimahan ang mga tila nangangalit na kutsara’t tinidor, may special participation pa ang mga plato’t platito na gustong basagin ang isa’t isa hanggang magkapira-piraso.

Kutsara/Tinidor/Plato/Platito: (korus) Ene keme? Eneng genegewe neng syepetembeng neng renneng meyt me na neterengeng mege ektres ne pegkeyemen-yemen?!

Eh, sa Yemen naman pala kakandidato ang syupatid ng aktres.

Read more...