Palasyo nabahala sa kaso ng pambubully sa Ateneo

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Palasyo sa kaso ng pambubully sa loob ng Ateneo Junior High School (AJHS) matapos namang mag-viral ang video kung saan binully ang isang estudyante ng kapwa mag-aaral sa loob mismo ng comfort room ng paaralan.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat ay umaksyon ang pamunuan ng Ateneo De Manila University hinggil sa isyu.

β€œI watched that. I was bothered by what I saw. I think they should investigate first why there was such a one-sided fight,” sabi ni Panelo.

Makikita sa video ang isang maliit na estudyante na nambu-bully sa mas malaking estudyante na umiihi. Hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng away ng dalawa.

Isang beses na sinaktan ng mas maliit na estudyante ang mas malaking estudyante na mukhang nagdugo ang mukha.

β€œIt should be investigated. I think the school should investigate the incidents and do something about it,” ayon pa kay Panelo.

Read more...