NAG-POST kahapon ang international singer na si Charice ng ilang larawan sa Instagram. Makikita rito ang kanyang bagong hairstyle.
Matapos na aminin ni Charice sa buong mundo na isa siyang tomboy, marami na ang nagbibigay ng advice na palitan na niya ang style ng kanyang buhok. Hindi raw kasi ito bagay sa kanya, mas lalo siyang lumiit. Oo, nagmukha siyang lalaki sa buhok niya, pero hindi raw ito swak sa bago niyang personality.
Nakita namin kahapon sa ilang website ang bagong hairstyle ng singer, at in fairness, bumata nga siya at mukha nang mabango. Ha-hahaha! E, kasi nga, sa dating buhok ni Charice, para raw hindi siya naliligo. Lagi pa itong nakatakip sa mukha niya.
Ang larawang makikita n’yo sa pahinang ito ay ipinost ni Charice sa kanyang Instagram account na may caption na, “Para sayo po. @alyssaquijano,” na ang tinutukoy nga ay ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano na dating member ng grupong AKA Jam na finalist noon sa X Factor Philippines.
May nagsasabi naman na ginagaya raw ni Charice ang buhok ni Daniel Padilla. Sa bagong gupit niya ngayon, kayo na ang magsabi – ginagaya nga ba ng singer ang hairstyle ni Daniel?