Tirso pinalakpakan sa premiere night ng ‘Rainbow’s Sunset’


BACK in circulation na si Tirso Cruz III. Dumalo si Pip kasama ang asawang si Lyn Cruz sa premiere ng kinabibilangang festival movie na “Rainbow’s Sunset.”

Kahit may ngiti na sa bibig, nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata ni Tirso dahil sa pagkamatay ng panganay niyang anak na si TJ. Nice to see Pipo na na-miss ng member of the entertainment press nu’ng magkaroon ng grand presscon at blogcon ang cast ng Joel Lamangan movie.

Hindi pa rin nawawala sa aktor ang pagbati na, “Okay ka lang?” tuwing magkikita kami sa anumang showbiz event. Eh, nang tanungin naman namin kung okay na siya, isang thumbs up ang tugon niya.

Nakatulong din kay Pipo na mabawasan ang kalungkutan nang palakpakan ng mga nanood sa preem ang ilan sa highlights niya “Rainbow’s Sunset.”

Read more...