Sylvia muling paiiyakin ang madlang pipol

SYLVIA SANCHEZ

SA seryeng The Greatest Love ay ginampanan ni Sylvia Sanchez ang karakter ni Gloria na may Alzheimer’s disease at tanging ang anak niyang si Dimples Romana ang hindi niya matandaan ang pangalan kaya nagagalit sa kanya.

Pakiramdam ni Dimples ay hindi siya mahal ng inang si Gloria dahil kahit na inaalagan siya ay hindi niya maramdamang minahal siya nito dahil nga maysakit.

Sa pagdiriwang ng 25th year ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado, Dis. 22 ay tungkol uli sa sakit na Alzheimer ang kuwento na pagbibidahan nina Boots Anson Roa at Sylvia.

Gagampanan ni Sylvia ang karakter noon ni Dimples na mag-aalaga sa inang may Alzheimer na si Boots na hindi siya matandaan kaya masama ang loob niya.

Sa trailer ay may sariling pamilya na si Ibyang pero hindi pa rin niya iniwan ang ina at talagang naglalaan siya ng oras para madalaw.

Ito’y sa direksyon ni Nuel Naval na isinulat ni Arah Jeil Badayos. Kasama rin dito sina Nonie Buencamino, James Blanco, Axel Torres, Marc Acueza, Tom Doromal, Ced Torrecarrion at Alexa Ilacad.

Read more...