SINAYANG lang ng aktor ang magandang oportunidad na naghihintay sa kanya sa mundo ng showbiz.
Nakilala na siya bilang leading man ng kilalang aktres na sumikat sa serye na tumagal ng dalawang taon.
Palibhasa’y guwapo, matangkad at leading man material kaya agad siyang nabigyan ng magandang break, pero hindi naman niya iningatan ang suwerteng dumating sa kanya dahil gabi-gabi ay laman siya ng bar at inaabot hanggang madaling araw.
Kaya kapag may shoot siya kinabukasan ay hirap na hirap siyang bumangon kaya laging late sa call time.
Napagpasensiyahan nu’ng una pero sa kalaunan ay hindi na siya kinukuha sa mga programa ng isang network dahil sakit lang siya ng ulo ng production.
Nahihiya tuloy ang manager niya na may magandang record sa mga network dahil ang ibang alaga niya ay professional naman at walang reklamo.
May apat nang anak ang aktor na puro panganay. Yes bossing Ervin, apat na babae ang naanakan niya.
Hindi lang namin naitanong kung nasa poder pa niya ang mga bata. Ang mga ina kasi ng kanyang mga anak ay hindi rin seryoso sa buhay dahil walwalan din ang trip ng mga ito
“Sa inuman nakilalala ni _____ (aktor) ang mga naanakan niya. Hindi kasi gumagamit ng condom. Ewan ko kung anong mangyayari sa kanya,” kuwento ng malapit sa aktor.
Ang aktor ay kaanak ng dating beauty queen na sinubukan ding mag-artista at happily married na ngayon sa kilalang personalidad.
q q q
Kaliwa’t kanan ang nagtatanong sa amin kung kailan ang grand presscon ng MMDA na namamahala sa Metro Manila Film Festival para sa pormal na pagbubukas ng mga entries this year.
Mapapanood na sa Dis. 25 ang walang kalahok na kinabibilangan ng “Fantastica”, “Jack Em Popoy”, “Aurora,” “One Great Love,” “The Girl In The Orange Dress,” “Otlum,” “Mary Marry Me” at “Rainbow’s Sunset.”
Oo nga, pag nagkataon, ngayong 2018 lang walang presscon at pa-party ang MMDA para sa entertainment media na nakasanayan na taun-taon.
Inisip na lang namin na sobrang abala ngayon si MMDA General Manager Jojo Garcia sa mga pasaway na motorista kaya agad siyang nagpatupad ng resolusyon na simula sa Enero 7 ay tataas na ang penalty sa illegal parking.
Sabi ni Mr. Garcia, “We really need to implement these fines for motorists to be disciplined. Higher fines against illegally parked vehicles will lead to easing congestion of roads that can be utilized by motorists.”
Tama naman talaga para magtanda ang lahat ng motorista na bili nang bili ng mga sasakyang wala namang sariling parking.
Ang tanong po Mr. Garcia, paano ‘yung mga sangkatutak na sasakyang nakaparada sa tabi ng MMDA Orense Office? Kaliwa’t kanan ang mga naka-park doon. Idagdag pa ang mga naka-park na government at private vehicles sa mga barangay hall sa buong Metro Manila na nasa gilid ng kalsada.
Going back to 2018 MMFF, sa Linggo, Dis. 23 na ang annual Parade of Stars para sa lahat ng entries na magsisimula ng 1 p.m. sa Shopwise Sucat na magatatapos sa Mall of Asia.