Catriona: Magpatawad at magbigayan ngayong Pasko

“MAGPATAWAD.” ‘Yan ang isa sa mga Christmas message ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa lahat ng Pinoy na walang sawang sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Hindi pa sure si Catriona kung dito sa Pilipinas siya magse-celebrate ng Pasko dahil inaayos pa ang magiging schedule niya sa mga susunod na linggo. Nasa bansa ang dalaga ngayon para sa isang short vacation.

Sa panayam kay Catriona ng ilang reporter pagbaba ng sinakyang private jet sa NAIA, sinabi nitong mas mahalaga pa rin ang pagbibigay at pagpapatawad ngayong Pasko.

“Open up your heart to your neighbors, to a cause, to a charity near you. Because Christmas should be enjoyed by all no matter where you are, no matter where you’re from, what you have. It really is a time for family and forgiving,” sey ng dalaga.

At sa tanong nga kung dito siya magpa-Pasko, “Di ko alam pa. As long as I’m with my family, masaya ako.”

Nakatakdang bumalik sa New York si Catriona anumang oras mula ngayon para tuparin ang mga duties and responsibilities ng isang Miss Universe tulad din ng ginawa noon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Read more...