25K illegal parking violators naitala ng MMDA

UMABOT sa 25,000 ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa harap ng kampanya nito kontra illegal parking.

Base sa datos na inilabas ng MMDA noong Nobyembre 30, umabot sa 25,469 ang mga naaresto dahil sa illegal parking.

Pinakamarami sa mga naaresto ay mga motorista na lumabag sa yellow lane policy sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue.

Inilabas ng MMDA ang mga datos matapos namang ihayag ang mas mahal na multa para sa mga sangkot sa illegal parking.

Aabot na sa P1,000 mula sa dating P200 ang multa para sa mga sasakyang nakaparada simula Enero 7.

Sisingilin naman ng P2,000 ang mga sasakyang iniwang nakaparada ng may-ari o driver mula sa kasalukuyang P2,000.

Unang itinakda ang implementasyon ng bagong multa Disyembre 19, bagamat binawi ito ng MMDA.

MMDA General Manager Jojo Garcia said the decision to move the implementation on a later date was because the agency was still fixing its system.

“Inaayos pa namin yung system namin sa collections; number two yung sa ticketing; and of course number 3, sabi nga ni Chairman, Christmas season ngayon,” sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Read more...