BINASAG na ng Kapuso actress na si Lotlot de Leon ang kanyang katahimikan tungkol sa estado ng relasyon nila ng adoptive mother na si Nora Aunor.
Idinaan ni Balot sa kanyang Instagram account ang kanyang mensahe para kay Ate Guy, ilang araw matapos ang kanyang kasal sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury. Matagal nang nababalita na malalim ang tampuhan nilang mag-ina kaya hindi nakapunta ang Superstar sa kanyang wedding.
Narito ang kabuuang IG post ni Lotlot sa IG: “Maraming beses ko pinag isipan kung dapat pa ba akong magsalita tungkol sa mga personal na nangyayare sa amin ng mommy ko.
“Naisip ko na cguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina.
“Maaga ko nalaman na ampon ako, ‘ampon ni Nora’ yan ang madalas ko naririnig nuon. Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni lola. Sa mga hindi nakakaalam ang tumanggap sa akin ay ang lola ko. Sya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila. Tinanggap nila ako ng buong puso.
“Nang magkakilala sina mommy at daddy (Christoper de Leon) inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon. Ang mommy ko ang bread winner sa pamilya nagsumikap na iahon lahat ng mahal nya sa buhay. Nakasanayan naming magkakapatid na lage syang nag tratrabaho.
“My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan nya. Matibay sya. Kahit kailan hindi nya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan sya ng pag asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan sya. She is the most generous person I know. Pagdating sa relasyon namin sa kanya. Mommy sya.
“She tried her best to do her duties as a present mom. Nung nagkapamilya ako tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripisyo na ginawa din nya. Kaya lahat din ng kaya ko, binigay ko. Lage nyang bilin magmahalan kame magkakapatid at yun ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya.
“Hindi ko na ididitalye ang mga kaganapan sa buhay namin. Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay sya. May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado.
“Mahal ko sya at alam ko mahal nya din ako, kame ng mga kapatid ko. At kahit ano pa sabihin ng kung sino kame ang magkapamilya, kame ng mga kapatid ko at sya, at walang sino man ang makapagbabago duon.”