3 patay sa sunog

TATLO ang nasawi sa isang sunog sa Novaliches, Quezon City kaninang umaga.

Nasawi sa sunog ang isang 80-anyos na babae, kanyang 40-anyos na anak na babae at isang limang taong gulang na batang lalaki. Magkakasamang natagpuan ang bangkay ng mga biktima.

Nagsimula ang sunog sa isang general merchandize store alas-2:54 ng umaga sa Damong Maliit, Brgy. Nagkaisang Nayon.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out alas-4:22 ng umaga.

Kabilang sa mg nasunog ang walong commercial establishment, tatlong bahay at isang sasakyan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang arson probers upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Read more...