Iza Calzado, Ben Wintle nagpalitan ng “I do’s” sa bonggang beach wedding

NAGPALITAN na ng “I do’s” kaninang hapon sina Iza Calzado at Ben Wintle na ginanap sa Club Paradise Resort sa Coron, Palawan.

Isang beach wedding ang naganap na nagsimula dakong alas-5 ng hapon. Lumakad sa isang aisle ng beach na puno ng flowers ang bride suot ang kanyang Rajo Laurel wedding gown na hinatid sa altar ng kapatid niyang si Dash Calzado.

Sa kanyang wedding vow, ibinandera ni Iza ang mga qualities ni Ben na kanyang minahal, “Yes, Ben, you are handsome. But this is the least most beautiful thing about you. You are so much more than just beautiful.

“I love your kind and compassionate heart. I love your humor, your gentle soul. I love that you are smart, and hardworking, and that you’re a great leader. I love that you are adventurous,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Dugtong pa ni Iza, “Believe it or not, i love your poop stories,” na sinundan ng tawanan mula sa kanilang mga bisita.

Naging bridesmaid naman sa wedding ang mga kaibigan niyang sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle na nakasama niya noon sa original Encantadia bilang mga Sang’gre.

The two got engaged in October, 2017. Mahigit six years din silang naging magdyowa bago nagdesisyong magpakasal.

Read more...