Kim Domingo Kapuso pa rin, hindi lilipat sa ABS-CBN


SPEAKING of Kim Domingo, walang katotohanan ang balita na lalayasan na niya ang GMA 7 at lilipat sa kabilang TV network.

In fact, may bagong seryeng gagawin ang Kapuso sexy actress sa GMA next year. She will be joining Ruru Madrid and Kylie Padilla sa GMA News and Public Affairs show na TODA One I Love.

“Una sa lahat, masaya ako kasi nalilinya ako sa mga ganitong klaseng mga proyekto like ‘yung mga light, comedy kasi mas gusto ko na gumawa ng mga ganung klaseng project like ‘yung mga pa-sexy roles kaya happy ako,” sabi ni Kim sa panayam ng GMA.

Kasama rin sa serye sina David Licauco, Jackie Rice, Kimpoy Feliciano, Gladys Reyes and Victor Neri.

Read more...