‘Jack Em Popoy’ nabigyan ng Grade A sa CEB; Maine bongga sa comedy, drama at aksiyon


PINURI ng isa sa members ng Cinema Evaluation Board (CEB) na si Bum Tenorio ang pagiging natural sa comedy ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa festival movie nilang na “Jack Em Popoy”.

After ng pagre-review ng mga members, binigyan ng CEB ang filmfest entry nina Maine, Vic Sotto at Coco Martin ng Grade A.

Hanggang sa Twitter account ni Tenorio, inilabas niya ang kanyang naramdaman after watching the movie.

“For beautifully marrying the three genres of comedy, action and drama, ‘Jack Em Popoy: The Pulis Credibles’ got a grade of A from the Cinema Evaluation Board,” unang tweet ni Bum.

Aniya sa kasunod pang mga tweets, “Maine Mendoza, as Emily, has the perfect comedy timing in #JackEmPopoy. She delivers, too, in the drama and action scenes. That she is natural is already a given.

“Talk about comedic troika (Among @mainedcm, Coco Martin, and Aviv Sotto) and you will genuinely find it. #JackEmPopoy Graded A by the CEB.”

Sa sumunod niyang tweet, itinama niya ang pangalan ni Vic dahil mali ‘yung na-type niya dahil may salamin na siya at disabled na ang kanyang auto correct sa cellphone.

Hanggang nang maipit sa traffic ang CEB member, naalala pa rin niya ang kuwelang eksena ni Meng pati na ang isang linya na nagpahalakhak talaga sa kanya.

Read more...