Iza ikinasal na kay Ben Wintle; 4 na Sang’gre ng Enca nag-reunion


KAHAPON ikinasal sina Iza Calzado at Ben Wintle na ginanap sa Coron, Palawan. Bago ang seremonyas ay nagkaroon muna ng pa-welcome dinner ang bagong kasal sa kanilang mga guests.

Base sa balitang nakarating sa amin, “Barrio Fiesta” ang theme ng welcome party nina Iza at Ben at maraming activities din ang pinagpilian ng mga guests na nagsilbi ring stress-free short vacation.

Nakumpleto rin sa event ang apat na Sang’gre ng original Encantandia na sina Iza, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon.

Anyway, wala kaming balita kung nag-imbita si Iza ng co-actors niya sa seryeng Ngayon At Kailanman na araw-araw pa rin ang taping ngayon dahil naghahabol sila para sa mahabang bakasyon.

Ang tsika sa amin ng isang source, “I’m not sure kung may nakapunta sa kasal, pero as of now, araw-araw ang taping kasi nga magbabakasyon, e, baka hindi na mahagilap ang mga artista kaya kailangang magpondo ng episodes.”

Base sa tumatakbong kuwento ngayon ng NaK ay comatose eksena ng karakter ni Iza bilang si Rebecca at sumakto naman dahil obviously hindi makakapag-taping ang aktres dahil nga kasal niya at out of town pa.

Hindi pa naman daw papatayin si Rebecca sa kuwento ng Ngayon At Kailanman dahil marami pa siyang kailangang ayusin bilang tunay na tagapagmana ng mga naiwang kayamanan ni Rodrigo Cortes (TJ Trinidad) na ipapasa naman niya sa anak na si Eva Mapendo (Julia Barretto).

At higit sa lahat, hindi pa sila tapos magtuos ni Stella (Alice Dixson) na may special treatment sa kulungan dahil may padrino ang magulang.

Read more...