Miss Universe crown ni Catriona nagkakahalaga ng P13.2M


MAY nabasa naman kaming article tungkol sa ipinatong na crown kay Catriona Gray bilang 2018 Miss Universe.

Ayon sa nasabing magazine, ang korina ni Catriona ay nagkakahalaga raw ng $250,000 o tumataginting na P13.2 million. Meron daw itong 500 diamonds at 120 South Sea and Akoya pearls.

And aside from the crown, nanalo rin siya ng year-long salary bilang Miss Universe at bonggang accommodation sa New York City apartment, personal appearance wardrobe and styling mula sa Miss

Universe Organization official fashion stylist at marami pang iba.

Posible ring magkaroon ng mga multi-million endorsements ang ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas plus all-expense paid trips sa iba’t ibang bahagi ng universe kasama ang mga charitable institutions para mas mapalawak pa ang kanyang mga advocacy.

Read more...