Matutuloy sa Canada? (2) | Bandera

Matutuloy sa Canada? (2)

Joseph Greenfield - July 11, 2013 - 01:49 PM

Sulat mula kay Ramiro ng Lake Sebu, South Cotabato Problema:

1. Pangarap naming mag-asawa na mag-immigrant sa Canada. Sinubukan naming mag-apply kahit may trabaho naman kami dito. Kaya lang, maliit nga ang aming suweldo. Pero, tinutulungan kami ng pinsan namin, na nalaman naming matagal na palang naninirahan doon at nakabuo na ng pamilya.

2. Sumasangguni kami sa inyo kung may pag-asa ba kaming matuloy ngayong taon. Kumpleto naman ang mga papeles namin at requirement for interview na lang ang hinihintay namin. July 12, 1967 ang birthday ko at September 1, 1975 naman ang misis ko.

Umaasa, Ramiro ng Lake Sebu, South Cotabato

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo ang nagsasabing kapwa nga kayo suwerteng mag-asawa sa paninirahan sa ibang bansa, higit lalo kung ang isa sa inyong mga anak ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn.

Numerology:

Ang birth date mo at kay misis ay nagsasabing sa taon ito tiyak ang magaganap, susuwertehin ka ng maka-alis papuntang Canada.

Graphology:

Ang pag-aanalisang tiyak na makapagka-Canada ka ay madali namang kinumpirma ng lagda mong umaangat paitaas. Tanda na sa panahon ngayon nasasagap na ng unconscious mong isipan ang magaganap – ang makasakay sa eroplano upang ganap na ngang makapanirahan sa ibayong dagat.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ramiro, ayon sa inyong kapalaran, kung babae ang pinsan mong tumulong sa inyo upang matupad ang pangarap nyong makapag-Canada, nakatakda na ang mangyari ngayong taon ding ito, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, makakaalis ka na, upang paglipas pa ng ilang panahon, ang buong pamilya naman ang samasama ng makapanirahan sa bansang Canada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending