Catriona Gray pinahinto ang ikot ng buong universe


PANSAMANTALANG pinahinto ng ating Miss Universe na si Catriona Gray ang ikot ng mundo ng mga Pilipino nu’ng segundo na lang ang binibilang para ihayag na ni Steve Harvey kung sino ang kokoronahan sa pagitan nila ni Miss South Africa.

Grabe ang pagkakataong ‘yun, iba-iba ang pinagdaanan ng mga Pinoy na nag-aabang, may naiihi na hindi mo maintindihan at meron namang halos himatayin na sa paghihintay.

At isinigaw na nga ang pangalan ng ating bansa, sabay-sabay na naglundagan sa sobrang kaligayahan ang mga Pinoy sa buong mundo, Catriona! Catriona! Catriona!

Apat na korona na ang inaani ng Pilipinas bilang Miss Universe. Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at ang bunsong reynang si Catriona Gray.

At si Catriona Gray ang kumumpleto sa mga kulay ng ating watawat. Nakadilaw nu’n si Gloria Diaz, puti naman ang gown ni Margie Moran, blue ang kay Pia at pula ang kay Catriona.

Ipinagbubunyi ng buong bayan si Catriona Gray na sa umpisa pa lang ng labanan ay may bitbit nang matinding pag-asa na makukuha niya ang korona.

May kumpiyansa ang kanyang paglakad, may kumpiyansa ang kanyang mga ngiti, at lalong may kumpiyansa siya sa pagsagut-sagot sa mga tanong nang diretso talaga dahil matalino ang ating kandidata.

Mabuhay ang Pilipinas! Mahuhay si Catriona Gray! Mabuhay tayong lahat!

Read more...