Nanay ni Sarah Lahbati naaksidente sa Siargao: I’ve been crying and shaking…

HUMINGI ng taimtim na dasal ang life partner ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa kanyang social media followers para sa kanyang nanay.

Kaninang umaga, nag-post si Sarah sa kanyang IG Stories at ibinalita nga na nalunod daw ang kanyang inang si Esther Lahbati, habang nag-a-island hopping sa Siargao. Balitang maraming nawalang dugo kay Mrs. Lahbati.

Aniya, “Please, please, send help and prayer if you are in Siargao. She is not well. They were island hopping and now on their way back to the main island to look for the clinic.”

Makalipas ang isang oras, nag-post uli ang aktres sa kanyang IG at ibinalitang na-admit na sa ospital ang ina at nagkamalay na.

“I’ve been crying and shaking. This has never happened before. Thank God my mom is conscious na, with dextrose and oxygen. She’s resting because she lost a lot of blood when she vomited,” ang pahayag ni Sarah.

“She’s been taking swimming lessons everyday and has been good at it but we cannot fight mother nature. My dad saved her but she still lost a lot of blood and was unconsious,” dagdag pa ni Sarah.

Strong current ang dahilan ng nasabing aksidente. Nakatakdang magtungo ngayong araw si Sarah sa Siargao para sunduin ang ina.

“She’s better now and slowly recovering in the clinic. Picking her up tomorrow because there isn’t any flight today. Thank you to everyone who called and helped us. I’m so grateful to you. Thank you for all the prayers,” ang pahayag pa ng partner ni Richard.

Read more...